Buong pagmamalaking itinaas ni Dulce Franco ang watawat ng Pilipinas kasabay ng tagumpay sa I Compete Natural (ICN) World Natural Games na ginanap mula Nobyembre 1–3, 2024, sa Australian Institute of Sports sa Canberra, Australia.
Key Points
- Mula sa iba't ibang kategorya, itinanghal si Dulce Franco bilang ICN Angel World Champion at nagwagi pa ng mga karagdagang titulo tulad ng Ms. Swimsuit Novice, Ms. Swimsuit 30+, Ms. Swimsuit Open, Ms. Bikini 30+, at Ms. Bikini Novice.
- Ayon kay Dulce, nais nyang maging inspirasyon din sa iba na magpatuloy sa kanilang mga layunin sa kabila ng mga pagsubok.
- Kasama ang kapwa atleta at presidente ng ICN Philippines na si Ricky Solomon, isinusulong nila ang pagpapalaganap ng natural bodybuilding.
Share



