Todo ang suporta ng Filipino community sa Western Australia para sa pagharap ng Philippine Women’s National Football Team laban sa host nation na Australia sa darating na Marso 1.
Key Points
- Mainit na Pagsalubong: Sa kabila ng madaling araw na paglapag sa Perth nitong Pebrero 24, masayang sinalubong ni Shellane Encabo Espinosa at ng Filipino community ang koponang Filipinas para sa kanilang kampanya sa AFC Women’s Asian Cup 2026.
- Fan March: Pangungunahan ng Konsulado ng Pilipinas sa Western Australia at ng grupong FAME ang isang parada sa Burswood Park sa Linggo ng alas-dos ng hapon bago ang tapatan ng Filipinas at Matildas sa Perth Stadium.
- Pagpapakitang-gilas ng Kultura: Gagamitin ng grupong FAME ang pagkakataon upang itampok ang sayaw at kulturang Pinoy, na layon ding ipamana sa mga kabataang Pilipino na lumalaki sa Australia habang ipinapakita ang pakikiisa sa koponan.

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.




