Pinoy Footy fan, ginagawang bonding ng pamilya ang panonood ng AFL Grand Final

KALABAW - 7.jpg

Neil Daculan of Philippine Team Kalabaws plays Touch Footy. Credit: Australian Football International

Isang Filipino fan ng AFL at kasali din sa Touch Footy ang nag-iimbita sa mga kababayan na sumali sa kanilang koponan na Team Kalabaws.


Key Points
  • Western Bulldogs ang sinusuportahang team ni Neil Daculan habang iba naman ang koponan na gusto ng kanyang asawa at anak.
  • Bukod sa pagiging fan ng AFL, manlalaro din si Neil ng Pinoy team ng Touch Footy na tinawag na ‘Kalabaws’.
  • Ang touch footy ay kapareho ng laro ng AFL pero ‘no tackling’ o bawal ang banggan.
l.jpg
How to listen to this podcast Source: SBS
Nakatutok ang buong Australia sa mangyayaring Grand Final ng AFL ngayong Sabado kung saan maglalaban ang Geelong Cats at Sydney Swans.

Ilang Filipino Australian ang excited na ding tumutok sa game at isa na dito si Neil Daculan mula Melbourne na simula pa lang ng mag-aral bilang internatioanl student ay nahumaling na sa Footy.

"I first got here in 1998 scholarship, I was doing my masters in Industrial relations in Melbourne Uni and then Vic Uni and that time I was in Footscray kaya bagsak ako sa Western Bulldogs, Western bulldogs fan ako," kwento ni Neil.

Bagaman wala sa final ang gustong koponan, suportado niya ngayon ang Geelong Cats.
neil.jpg
Neil Daculan and his family.
Bonding din ng pamilya nito ang panonood kahit hindi pare-pareho ang sinusuportahang team.
Iba-iba yung team namin, my wife is a Saint Kilda fan, my daughter is a Collingwood fan who lost last week by one point, parang asaran din minsan.
AFL Fan Neil Daculan
Bukod sa pagiging fan ng AFL, naglalaro si Neil ng Touch Footy sa koponan ng mga Pinoy na Team Kalabaws.

"Ang touch footy basically kasi is no tackling bawal yung banggan, more like nahawakan mo yung bola, i-touch lang kita, you need to release the ball within 3 seconds"
kalabaw -3.jpg
Philippine Touch Footy Team Kalabaws Credit: Team Philippines AFL
Ayon kay Neil, suportado ito ng AFL mismo kung saan nagbabahagi ng coaching at training sa mga manlalaro kaya welcome anya lahat sumali dito mapabata man o matanda.

"When I started playing footy, I started 50 years old ngayon medyo masakit na sa katawan ko but we still keep on recruiting young people, we have new players that played the game in April and hopefully babalik yung old players kasi usually in touch footy, there if you have around maximum 9 players minsan 7 players lang okay na depende sa kabilang team"
kalabaw - 6.jpg
Neil Daculan plays Touch Footy. Credit: Australian Football International

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand