Highlights
- Dahil sa aksidente, kinailangang putulin ang paa ni Ken at kabitan ng artificial leg
- Hindi sumuko si Ken at nabuhayan siya loob nang masubukan niyang maglaro ng badminton
- Kabilang si Ken sa mga naglalaro para sa bansa at kasalukuyang pinaghahandaan niya ang nalalapit na Paralympics
Dahil dito, muntik na siyang mamatay at kinakailangang putulin ang kanang paa at kabitan ng artificial leg o prosthetics. Pero imbis na panghinaan ng loob, naging susi ito para magpursige at hanapin ang kanyang tunay na misyon sa buhay.
"They actually tried to save my leg for 3 hours in the operation theatre, but I was in a critical condition. Dun pa lang sa work site, I've lost roughly 40 percent of my blood. I was taken to Liverpool Hospital and when they operated me they had to make a decision to amputate my leg," kwento ni Ken.
“I still have purpose in life. I'm happy I'm still here. Para sa akin, 50/50 chance is critical , 3 percent chance of living is a miracle."
Tubong Lapu- Lapu city, Cebu si Ken. Dumating siya kasama ang mga magulang sa Australia noong 15 taon pa lang ito. Kaya sa pagsubok na naranasan, malaking ambag umano ang pagmamahal sa pamilya at sa Diyos sa kanyang muling pagbangon.
“I haven't forgotten my roots. I think that’s what is keeping me alive. When the accident happened, I accepted right there and then. Naputol na ito. I asked myself, what now?, what's next? Nanalig na lang ako sa Diyos.”
Hilig na ni Ken ang basketball, long jump at boxing. Pero matapos ang aksidente, aminado itong iba na ang takbo ng kanyang paglalaro. Kaya nang magyaya ang kaibigan sa badminton, kahit di niya gusto sa umpisa, kanya lang itong sinubukan.
“When I saw a really good player that’s when my mentality changed. I realised, playing badminton is a good way to release stress. Akala ko madali lang ang badminton, nagkamali ako.”
Di naman nabigo si Ken dahil ito pala ang hinahanap niyang sagot sa maraming tanong kung paano ipagpatuloy ang buhay na makapagbigay ng inspirasyon sa sarili at sa ibang taong katulad nya.
“I like the challenge. After 9 months of training, that’s when I started to consider to play for a country.
"Tinawagan ako ng Badminton Australia. I got a sponsorship from them. They gave me coaching sessions twice a week, for free."
Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ni Ken kasama ang iba pang atleta na kabilang sa team ng Badminton Australia para sa mga laban dito sa bansa sa darating na Oktubre.
Pinaghahandaan din nila ang laro sa Oceania at sa 2024 sa Paris, pero pinaka-target ng grupo ang makapaglaro sa susunod na Paralympics.
Meron ding payo si Ken sa gaya niyang sinubok ng panahon at hanggang ngayon patuloy ang pakikipaglaban. Aniya, wala umanong shortcut sa pagbangon ang importante, patuloy ang pakikipaglaban.
“I felt depressed for a long time, I was diagnosed with PTSD. We should try to talk to the people close to us, don’t hold back because it won't help. Never make an excuse and never give up. We only have one chance to live.”
Ito din ang din ang dahilan, na kahit kailan di kinahiya ni Ken ang kanyang kapansanan. Bihira lang din kung makita siyang may suot na pantalon dahil may mensaheng dala ang kanyang prosthetics.
”I don't wear long pants a lot. I want people to see me as I am, wearing prosthetics."
"Yes, I'm an amputee. I'm not hiding it. I'm proud of it," aniya.
Nagpapasalamat naman ang asawa ni Ken na si Gillie dahil lumaban ang asawa para sa kanila at sa kanilang tatlong mga anak.

Masayang pamilya ni Kenneth Adlawan Source: Kenneth Adlawan
“Ako yong unang super proud sa kanya. Kahit gaano kahirap pinagdaanan namin, hindi siya tumigil hanggang nakatayo na siya. Hindi pa tapos ang laban niya, pero it proves na nothing cannot be solved.”
Maliban sa pinaghahandaang mga laban ni Ken sa para-badminton, plano din nitong subukang maging coach ng badminton. Dahil gusto niyang matulungan silang tulad nya na minsa’y nadapa, pero nakabangon at handa na ngayong harapin ang anumang hamon sa buhay.
ALSO READ/LISTEN TO



