Highlights
- Mga volunteers ng Alpha Park Connect sa City of Blacktown, labindalawang taon nang tumutulong sa mga nangangailangan
- Partners at donors ang bumubuhay sa mga organisasyon
- Kabilang sa mga tinutulungan sa pang-araw-araw na pangangailangan ay mga international students
Nagsimula lang sila sa tatlong pakete ng tinapay hanggang sa umabot sa daang daang katao na ang linggo-linggo nilang natutulungan. At dahil marami ang na-inspire, dumami ang nakiisa para mamigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Dinadagsa ng mga tao ang Alpha Park sa City of Blacktown, Greater Sydney dito sa Australia.
Dito kasi may libreng namimigay ng pagkain, damit at mga laruan. Merong ding mga nagbibigay ng serbisyo, gaya nilang mga walang bahay, may problema sa pag-iisip, nakaranas ng depresyon, at mga taong may espesyal na pangangailangan o yong tinatawag na may disability.
Taong 2009 sinimulan ni Pastor Ray Clemente at asawang si Carol ang Ministry na tinawag nilang Blessing Tents sa kanilang simbahan na Radiance of Jesus Christ.
Ayon sa mag-asawa, noong una, gusto lang nilang makatulong sa mga batang naliligaw ng landas. Bitbit ang tatlong pakete ng tinapay namigay sila ng pagkain, sa labas mismo ng Blacktown train station.
"It came out as a need for us to be able to reach out those in need na young people. Walang silbi ang lahat ng sinasabi kung wala tayong pinakapakitang tulong o mabuting gawa. We always say this is our way of thanking Australia for welcoming us."

Mga donors namimigay ng libreng pagkain sa Alpha Park sa City of Blacktown, Sydney Source: Pastor Ray Clemente
Aminado sila Pastor Ray at asawang si Carol, di naging madali ang kanilang pinagdaanan sa isyu ng seguridad pero marami ang tumulong.
"May mga donors na nagbibigay kaya naglagay na kami ng table dun sa isang side sa malapit sa labas ng train station. More and more people started to come."
"Pinatawag kami ng commander ng police. Akala ko, papatigilin kami. Pero interesado pala sila. When we started work there, namigay kami ng pagkain, yung crime rate has dramatically drop, according to them."
Dumating din ang panahong kinilala ng Blacktown Council ang kanilang ginagawa at binigyan sila ng eksaktong lugar para sa kanilang outreach program, sa may Alpha Park, kaya dun na tinawag ni Pastor Ray ang grupo na Alpha Park Connect.
"The Blacktown City government granted us the access to the Alpha Park. Naging lugar iyon para namamasyal lang sila pero incidentally nagpapakain na rin kami dun, which is a very good idea."

Mga volunteers nagluluto ng libreng pagkain para ipamigay sa mga nangangailangan sa Alpha Park sa Blacktown City , Sydney. Source: Pastor Ray Clemente
Sa ngayon, nasa labing dalawang organisasyon at grupo na ang kasama nilang namimigay ng tulong at serbisyo sa mga nangangailangan.
"Paglipat namin sa bugang lugar, other groups started to take notice. Merong isang grupo na nakisali na rin, ang pangalan ay Orange Sky, na nagprovide libreng laundry at libreng shower."
Dagdag ni Pastor Ray, nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba't-ibang grupo na tumutulong sa mga may kapansanan at nawalan ng tirahan.
"Naging unincorporated umbrella organisation ang Alpha Park Connect comprising of charities na nag-provide ng food and other services na sinamahan na rin ng non-government agencies na gustong mag provide ng other services."
"Yung mga taong nangangailangan ng tulong sa kanilang mental health, yng mga nadededepress, meron ding services para sa kanila."
Aminado ang grupo di naging madali ang lahat, pero umabot na sila ng labing dalawang taon. Ayon sa mag-asawang Clemente, may samut-saring kwento ang buhay ng mga taong pumipila dito.

OrangeSky nagbibigay serbisyo gaya ng libreng laba at pagligo sa Alpha Park sa Blacktown City, Sydney. Source: Pastor Ray Clemente
Welcome ang lahat na pumila dito. Kaya si Emiel, masayang-masaya dahil punong puno ang kanyang shopping trolley. Isa sya sa daan-daang pumipila dito kada linggo.
"Thanks God, we got someone people to help poor people," ani Emiel.
Di lang ang mga nakakatangggap ang masaya, pati na din ang mga volunteers. Isa sa pinakamatagal na volunteers sa grupo si Kay.
" I think its a very special to be able to provide these kind of gifts to people in need. People are so appreciative of whatever they get especially the essential items. I feel wonderful seeing their face glow."
Kabilang sa kanilang tinutulungan ngayon ay mga international students para makatawid sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Source: Pastor Ray Clemente
May panawagan naman si Pastor Ray sa mga kababayan na nakakaluwag sa buhay.
"Buksan po natin ang ating mga mata sa atin kapaligiran, sapagkat marami sa atin gang ay namumuhay ng maginhawa pero marami sa ating kapaligiran ay nangangailangan ng tulong."
"Lalo na ang mga estudyante, marami kami tinutulungan na naka-student visa. Kung matutulungan natin sila na makaangat ay pagpapalain po kayo ng husto ng Panginoon."
"Anuman ang bagay na pwede ninyong maitulong para sa kanila, malaking bagay na po yan para mas ma-encourage natin sila."

Alpha Park Connect volunteers walang sawang tumutulong sa mga nangangailangan sa Blacktown City, Sydney. Source: Pastor Ray Clemente
Taos-puso naman nagpapasalamat si Pastor Ray sa mga patuloy na tumutulong, at panalangin nya, di lang sa dito sa Australia sila makatulong. Balang araw, maibahagi nila ang tulong sa mga nangangailangan sa Pilipinas.