Ang ipinanganak sa Maynila, na nakabase sa London na alagad ng sining, si Pio Abad ay nagtatag ng isang makasaysayang balangkas sa seryeng ito sa paggamit ng magkakahalong media, kabilang ang pagguhit, instalasyon at potograpiya.
Habang karamihan sa kanyang mga gawa ay patungkol sa pulitika ng Pilipinas partikular noong panahon ng pamamahala ng dating pangulong Marcos, ini-aangkop niya ang mga pang-araw-araw na mga bagay sa kanyang sining, nag-aanyaya sa mga tao na muling suriin ang pag-unawa sa Pilipinas ngayon.
Ang gawa ni Pio Abad na 105 Degrees and Rising (2015) ay pangunahing tampok sa eksibisyon na makikita sa 4A Centre for Contemporary Asian Art.

Si Pio Abad nang inilunsad ang kanyang eksibisyon sa 4A Centre for Contemporary Asian Art sa Sydney Source: SBS Filipino

Ang titulo ng gawa ni Pio Abad na 105 Degrees and Rising (2015) ay nagmula sa lihim na adio code na ginagamit US Army bilang hudyat ng paglikas Source: SBS Filipino