Highlights
- Tinatayang nasa 49,913 na mga estudyahte sa grade 12 ang nagsipagtapos ngayong taon.
- Ilang estudyante ang nagpalit ng tatahaking kurso dahil sa epekto ng pandemya
- Maraming trabaho ang nag-aabang para sa mga Queenslander sa pagpasok ng 2021.
Bukod sa mga mangagawa ang mga estudyante ang isa sa direktang naapektuhan ng pandaigdigang pandemya na covid19.
Marso ng kanselahin ang mga klase sa mga paaralan at ipinatupad ang online learning. Makalipas ang ilang buwan at dumalang ang bilang ng kaso ng tinamaanng covid19 sa Queensland unti-unti nagbalik sa normal ang sitwasyon. Nakakapasok na muli sa mga paaralan ang mga estudyante gayon din ang mga mangagawa na natigil sa trabaho.
Pero dahil sa pandemya maraming plano at pangarap ang nabago. Tulad ng 19-anyos na si Janel isang Pinay mula sa Cairns,kung dati, business management ang kursong nais niyang kuhanin ngayon nais niyang mag-Nursing.
Isang aral daw kasi ang kanyang nakita mula sa pandemya. Hindi nawawalan ng trabaho ang mga nurse dito at lahat ng mga health professions, tulad ng aged care worker, doktor, midwife at iba pa bagay na sinang-ayunan ng kanyang mga magulang. Halos bumagsak kasi ang industriya ng turismo kasama na ang hospitality kabilang ang mga hotel at restaurants.
Pero hindi ganoon kadali lalo at na kung international student ka pa lamang , nasa $32,000 lang naman ang tuition fee sa isang taon o nasa PHP1.1 million. Pero pursigido umano ang kanyang mga magulang na mag unibersidad siya at makatapos.
Mga in-demand na trabaho
Dito sa Australia, oras na makatapos ka ng year 12 ay maari ka ng magtrabaho depende sa nais. In demand para sa mga babae ang pagiging beauty therapist, katulad ng paglalagay ng eyelash extension, eyebrows tinting, hair coloring, paggugupit at iba pa.
Karamihan naman sa mga lalake ay nag aaplay bilang construction worker, hindi tulad sa pilipinas na mababa ng sweldo dito ang contruction worker ay isa sa malaki ang sweldo naglalaro sa $25 hanggang $50 dollars ang isang oras. Kailangan lamang sumailalim sa mga training o short courses na inilalaan ng gobyerno.
Kung nais mo naman na maging flight attendant hindi mo na kailangan pa na mag-aral ng apat na taon kasi dito sa Australia, tamang training sa tamang institusyon ay pwede ka nang maging flight stewardess. Hindi rin ganoon ka-istrikto pagdating sa itsura, at sa kulay ng balat dahil dito ay pantay ang trato sa mga tao. Basta ang mahalaga ay kwalipikado at may alam sa sa trabahong papasukin.
Trabaho para sa mga taga-Queensland
Samantala, inianunsyo ni Queensland Premier Anastasia Palaszcuk na madaming trabaho ang nag aabang para sa mga Queenslander sa pagpasok ng 2021.
Sisimulan na kasi ang konstruksyon ng subway sa Wolloongaba. Lalo at nakahanda na ang mga higanteng makinarya na bubungkal sa lupa o tinatawag na tunnel boring machine. Patuloy rin umanong sisigla ang industriya ng mining sa estado.




