Highlights
- PM Scott Morrison naniniwala ang pag-abot ng vaccination target ang solusyon sa ipinatutupad na restriksyon at lockdown sa bansa
- Dr Nhi Nguyen isang eksperto sa Nepean Hospital nagsabing 25% ng mga pasyente sa intensive care ward ay may edad 40 anyos pababa
- Pagbakuna sa may edad 16- 29 anyos sa Australian Capital Territory sinimulan na gamit ang Pfizer
Ilang araw ng nakapako sa 800 na kaso ng Covid-19 ang naitatala kada araw sa buong ng New South Wales, at ang pinakamasakit, araw-araw ding nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay.
Kaya maliban sa mas mahigpit na restriksyon sa mga hotspot LGA’s , isinailalim na din ito sa curfew simula alas 9pm hanggang 5 am. Ibig sabihin nito, silang essential o authorised workers, magpapagamot o may emergency ang pwedeng lumabas. Nababahala si NSW Premier Gladys Berejiklian dahil kasabay ng pag akyat ng bilang ng mga nabakunahan, ganun din ang tinatamaan ng virus.
" umabot na tayo sa 5.9 million jabs sa New South Wales at ang target 6 million ay inaasahang makakamit sa katapusan ng buwan. Ito ang nagbibigay pag-asa sa ating lahat," kwento ni Premier Gladys Berejiklian.
Sa buong hotspot LGA’s sarado na ang mga hardwares, office supply stores at retails. Pinapayagan lang ang mga residente na makabili sa pamamagitan ng click and collect. Naka-online learning na din ang lahat ng mga bata, maliban na lang sa pasulit sa year 12 students ng HSC. Ikinasa ang mga bagong restriksyong ito matapos nabahala ang mga eksperto , sa pagdating ng maraming batang pasyente sa ospital dahil sa virus. Ayon kay Dr. Nhi Nguyen 25 % ng kanilang pasyente sa intensive care ward sa Nepean Hospital ay may edad 40 anyos pababa. Kaya nanawagan ito na magpabakuna na.
" Pabata yong ipinapasok natin sa intensive care ward at ang masakit dun ay marami na ang kinabitan ng apparatus sa baga at puso para makahinga. Napakahirap itong sitwasyong ganito," sabi ni Dr Nguyen.
Ayon naman kay Victoria Premier Daniel Andrews, walang may gusto sa ipinatutupad nilang restriksyon kaya Lang ito ang nararapat gawin dahil umaakyat ang bilang ng may virus at kulang pa sila ng supply ng bakunang gamot.
"Walang masaya sa ipinapatupad na restriksyon at nitong lockdown, kahit ako man ayoko ng ganitong sitwasyon pero walang choice, kaya dapat magpabakuna na. Sana dagdagan ang supply natin na gamot," dagdag ni Premier Daniel Andrews.
Samantala aminado si Prime Minister Scott Morrison wala na silang nakikitang ibang solusyon sa problema Kung hindi ang pagpapabakuna ng lahat ng Australians para maiwasan ang lockdown.At kailangan din umanong matutunan ng lahat kung paano mamuhay at labanan ang virus. Napagkasunduan kasi ngayon ng gabinete namaiwasan ang mangyayaring lockdown kapag nasa 70-80 % ang bakunado sa buong bansa.
"Dapat ma-abot na ang 70-80 % sa populasyon ng bansa ay bakunado. Bigyan natin ng halaga ang ginagawang sakripisyo ng bawat isa kaya dapat magpabakuna na. Ito ang sagot para makaalis tayo sa ganitong sitwasyon. Dapat umalis na tayo ngayon at kung hindi ngayon kelan pa, " panawagan ni PM Morrison.
Pero ang ang ibang estado at teritoryo ay di kombinsido dito, lalo pa’t ang batayan ay ang nakaraang Doherty modelling kung saan hindi kasama sa datos ang mga pabatang tinatamaan virus. Kaya ang ilang lider gustong baguhin ang ginawang pag aaral Kung saan isama ang mga Ito. Iba sa kanila ay nagsabing kahit maabot na ng New South Wales ang 70-80 % ang bakunado pero lumulubo pa din ang bilang ng kaso ng Covid-19, mapipilitan pa umano silang isara ang kani- kanilang borders. Gusto namang ni Queensland Premier Annastacia Palaszczuk na suriin ang ginawang batayan ng gobyerno.
"Yong modelling at research na ginamit ay nakabatay lang sa kung may 30 kaso sa komunidad. Nasa libo na ang bilang ng kaso natin, kaya dapat balikan at ayusin para mas epektibo," panawagan ng Premier.
Sa ngayon halus 30 % sa buong populasyonsa Australia na may edad 16 pataas ang bakunado, 52 % naman ang tapos na ng kanilang unang dose. Umaasa naman si Qantas CEO Allan Joyce sa panayam nito sa ABC , na sanay matupad ng federal government ang plano nitong tapusin na ang ilang restriksyon at lockdown kapag umabot na sa 70-80 % ang bakunado sa bansa dahil hirap na silang kagaya nyang negosyante.
"Ano pa ba ang pwedeng gawin ng publiko kung hindi 70-80% ang sagot para maka-alis tayo sitwasyong ito? Marami ang nasasakripisyo kapag may lockdown. Maraming negosyo ang namamatay," sabi ni CEO Joyce.
Sa Canberra naman nagsisimula ng bakunahan ng gamot na Pfizer ang mga residenteng may edad 16-29 taong gulang. At inaasahang tatapusin na ang ipinatupad na 3 linggong snap lockdown sa 2 Setyembre.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa COVID 19 sa inyong wika.
Bisitahin ang sbs.com.au/coronavirus