Sa iba pang balita sa kabisayaan, mahigit sa sampung libong katao ang dumalo at nanood sa taunang “Kadaugan sa Mactan” o “Tagumpay sa Mactan” na ginanap kamakailan sa Liberty Shrine ng Barangay Mactan, Syudad ng Lapu-lapu, lalawigan ng Cebu; bus at mini-bus maaring dumaan na sa ginagawang underpass at itigil na ang paggamit ng Cebu South Coastal Road; Pinayuhan ng Papal Ambassador to the Philippines ang mga kabataang Katoliko na huwag maging alipin ng mga mobile phones o cell phones; at ang Public Employment Service Office o PESO ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu ay nagismula nang tumanggap ng applications para sa kanilang scholarship program.
Absentee voting ng kapulisan nagsimula na para sa halalan ng Mayo

Source: Getty Imgaes
Ang tatlong araw na absentee voting para sa kapulisan sa kabisyaan ay nagsimula kahapon. Naganap ito habang walong pulis sa Talamban Police Station ang humahrap ng kaso ng "police brutality" na nakunan sa bideyo at kumalat.
Share

