Boses ng Bayan: Ano nga ba ang saloobin ng mga kabataan sa katatapos lang na halalan sa Pilipinas?

filipino, youth, voices, philippine elections

Filipino youth in Australia shared their views on getting involved in Philippine politics Source: Fritz Ponce, Melissa Deiparine, Elle Lucin, Alexia Fuentes

Magkakaiba ang paniniwala pero nagkakaisa na dapat makialam sa mga isyu ng bansa kahit nasa ibayong dagat dahil ang kabataan ang pag-asa ng bayan.


Pakinggan ang audio: 




Highlights

  • Ang Kabataang Pinoy ay nasa edad 15 hanggang 30 at ayon sa pinakahuling tala ng National Youth Commission ng Pilipinas, aabot na ito sa 31 milyon noong 2021.
  • Ang tinagurian namang mga millenial na nasa edad na aabot sa hanggang 40 sa age bracket ngayon ay aabot sa ⅓ ng populasyon ng Pilipinas.
  • Iginiit ng mga kabataan na maging bahagi sa mga talakayan at isyu ng bayan kahit nasa Australia o ibang bansa man.

Fritz, 28, Central Coast NSW

"Mahalaga po na maging involved hindi lamang po ako, kundi ibang mga mamayan ng Pilipinas na kahit nakatira na tayo sa Australia, may pakialam pa din tayo sa nangyayari sa Pilipinas. Dahil yun po ang bayan natin, yun po ang lugar na kilakihan natin. Naniniwala po ako na kahit saang lugar man tayo mapunta, babalik-balikan po natin kung saan tayo lumaki."
Fritz Ponce from NSW
Fritz Ponce from NSW Source: Fritz Ponce
Alexia, 29, Melbourne VIC

"Dapat maging involved pa rin tayo, hindi natatapos sa eleksyon lamang ang pulitika o ang partispasyon natin sa lipunan."
Alexia from Victoria
Alexia from Victoria Source: Alexia Fuentes
Melissa, 33, Gold Coast, QLD

"I'm still a Filipino citizen. I always believe to that notion po na whatever I do, even in small things, it has a domino effect."
Melissa from QLD
Melissa from QLD Source: Melissa Deiparine
Elle, 36, Melbourne VIC

"Social responsibility natin bilang Filipino na bumoto at makialam sa mga kaganapan sa ating bansa. May pamilya din ako sa Pilipinas. Hindi lamang pamilya pero yung mga kaibigan ko,  kapitbahay ko, yung pag-asa lang  ang kinakapitan nila."
Elle from Victoria
Elle from Victoria Source: Elle Lucin

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Boses ng Bayan: Ano nga ba ang saloobin ng mga kabataan sa katatapos lang na halalan sa Pilipinas? | SBS Filipino