Sa Australya, mahigit 27,000 sanggol ang ipinapanganak ng premature at 1,000 sanggol ang namamatay.
Humaharap sa mga hamon ang mga magulang ng mga preterm at may sakit na sanggol at bilang resulta ay mas nakakaranas ng postnatal depression ng dalawa at kalahating beses. Kapag ipinanganak ang sanggol ng maaga pa sa 30 linggo, isa sa limang magulang ang nakakaranas ng depresyon at pagkabalisa anim na buwan pagkatapos manganak.
Humaharap sa iba't-ibang stressors ang mga ina at ama kasunod ng preterm na panganganak. Sa konting kamalayan at pananaliksik sa mga hamon na hinaharap ng mga ama, may kakulangan sa tamang suporta tungkol sa kanilang trauma. Mahigit sang katlo (36%) ng mga ama ng mga preterm na sanggol ang nakakaranas ng mataas na antas ng depresyon, habang isa sa dalawang (47%) ang nakakaranas ng mataas na lebel ng pagkabalisa.


