Ang Sentro Rizal - isang organisasyon na inisponsor ng gubyerno ng Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang pandaigdigang pagsulong ng sining, kultura at wikang Pilipino - ay inilunsad kamakailan sa Sydney sa Philippine Consulate Sydney.
Sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts at ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, dinala ng Sentro Rizal ang mga aktor mula PETA upang magtanghal ng isang maikling dula na nagsasalaysay ng kasaysayan ng Pilipinas.
"Theatre is a collaborative art so it takes a community to create this whole piece (lecture-performance of the history of the Philippines)," ayon sa PETA artist at guro Norbs Portales.

PETA artists Norbs Portales, Pat Liwanag and Paolo Calilong (L-R) (SBS Filipino) Source: SBS Filipino