Pina-imbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang pagpapabakuna ng ilang mga Alkalde, kumpara sa ibang nasa priority list ng gobyerno, gaya ng mga health workers at ng iba pang frontliners.
Nagbabala ng World Health Organization na posibleng maapektuhan ang pagpapadala nito ng donasyon ng bakuna sa Pilipinas sa ilalim ng covax facility, kung dadayain ang itinakdang priority list.
highlights
- Paliwanag naman ng mga Mayor, ginawa nila ang pagpapabakuna bilang halimbawa, at para palakasin ang loob ng kanilang mga nasasakupan.
- Nasa 99,891 ang mga aktibong kaso sa kabuuan, umabot na sa 693,048 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
- Sinabi ng Metro Manila Council, magpupulong ang mga alkalde kung kailangan i-extend ang pagpapatupad ng mas mahigpit na general community quarantine o GCQ.
Listen to SBS Filipino 10am-11am daily
Follow us on Facebook for more stories
Share





