Ikinumpirma ni Pangulong Rodrigo R Duterte nbna nagtungo siya sa Cardinal Santos Medical Center, San Juan City para sa ilang medical tests. Sinabi ng Pangulo na hindi niya ililihim ang kondisyon ng kanyang kalusugan mula publiko sakaling seryoso ang maging diagnosis nito. Sinabi naman ng Presidential Spokesperson Harry Roque na ang kondisyon ng kalusugan ng chief executive maliban na lamang kung seryoso o life-threatening ay tinuturing na confidential.
Share





