Highlights
- Kasama ni Ginoong Marcos ang kanyang pamilya sa ‘private trip’ sa Melbourne at pinagiisipan ng anak nito na si Vincent na mag-aral sa Australia.
- Walang kumpirmasyon kung magkikita si Ginoong Marcos at Punong Ministro Scott Morrison pero nauna ng kinumpirma na nagkausap sa telepono ang dalawa.
- Muli ring nagprotesta ang ilang grupo ng Filipino sa Melbourne sa pagdating ng Pamilya Marcos sa bansa.
Pakinggan ang audio:
Hindi nabigo ang mga taga-suportang nag-abang kay Presumptive President Ferdinand 'Bongbong' Marcos Junior matapos magpakita at makisalamuha sa baba ng tinutuluyang apartment sa Melbourne.
Sa naging panayam ng SBS Filipino, sinabi ni Ginoong Marcos na malaking bagay anya ang boto ng mga Pilipino sa ibang bansa gaya ng Australia.
"Overwhelming talagang nakakatuwa masyado at kaya naman sinasabi ko na pinakamabait talaga ang mga Pilipino. Malaking bagay ang overseas absentee voting dahil nauna kayo at nung nakita nung mga nasa Pilipinas na ang lakas ng suporta eh marami na ring nakumbinsi na sumama na", pahayag ni Ginoong Marcos.




