Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Property Council of Australia: Bilang ng mga nababalik opisina sa mga syudad mas bumaba

Melbourne CBD

Office occupancy rates show post-pandemic slump in most capital cities

Sinasabi ng Property Council of Australia na dalawa lang sa anim na CBD o Central Business District sa bansa ang nakitaan ng pagtaas sa pagbabalik opisina ng mga empleyado nitong Hulyo.


Key Points
  • Maliban sa Perth at Canberra, halos lahat ng syudad sa bansa ay nakaranas ng pagbagsak ng occupancy rates ngayong Hulyo.
  • Pinakamababa sa Melbourne na bumagsak ng 11 poryento
  • Ayon sa pamahalaan ng Victoria, ang pag-uutos sa mga empleyado na mag work from home ay depende sa kanilang mga kumpanyang pinapasukan at organisasyon.

Tinanggap na ng maraming mamamayan ang pagkakaroon ng hybrid workplace mula nang magkaroon ng pandemya at makaranas ng lockdown.

Ayon kay Luke Achterstraat ng Property Council of Australia, ang bagong office occupancy rates o dami ng gumagamit ng mga opisina sa buong bansa ay sumasalamin sa makabagong paraan ng pagtatrabaho.

Mula 55, bumaba ang dami ng nag-oopisina sa 53 percent, Sa Brisbane mula 64 ay naging 53 per cent na lang at sa Adelaide mula 71 ay bumagsak sa 64 percent.

Ayon sa Property Council ang pagbaba ng bilang ay inaasahan na lalo pa at ang bagong bugso Omicron ay nagdudulot ng takot sa mga tao na bumalik sa opisina. Karamihan ngayon y muling inaabisuhan na mag work from home.

Sa ngayon, Melbourne ang may pinaka mababang occupancy rate na 38 per cent.

Paano mapapakinggang ang ulat sa SBS Filipino
How to listen to this podcast Source: SBS

Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now