Sa ilalim ng kasalukuyang iskim ng Pamahalaang Pederal, ang primary carer o pangunahing tagapag-alaga ay may 18-bayad na linggo sa national minimum wage. Kadalasa’y ang nanay ang nakakakuha nito lalo na sa pribadong sektor.
Habang dalawang linggo lamang ang ibinibigay sa ikalawa o secondary carer. Ito’y sa ilalim ng tinatawag na "Dad and Partner pay".



