Panawagan para sa mas maraming produktong Pinoy na makarating sa mga pamilihan sa Australya

Supermarket

Supermarket Source: Pixabay

Inamin ng Special Trade Representative and Commercial Consul ng Pilipinas sa Australya at New Zealand, Alma Argayoso, na marami pa silang dapat na gawin para mailagay ang mga mas maraming Pilipinong produkto sa ‘mainstream’ na merkado ng Australya.


Kahit na ang ilan sa mga niyog o ‘coconut’ na produkto ng Pilipinas ay ibinibenta sa Woolworths at Coles, ayon kay Argayoso, mas marami sa mga gawang Pilipinas na produkto ay matatagpuan lamang sa mga Pilipino at Asyanong pamilihan sa buong bansa.
Ma "Swerte" Filipino Asian Store
Ma "Swerte" Filipino Asian Store in Melbourne, Victoria. Source: Dan Villanueva
Ilan sa mga pangunahing produktong kinakalakal ng Pilipinas sa Australya ay ang mga pagkain, agrikultural at ‘automotive’ na produkto.

Ang Philippine Trade and Investment Center (PTIC), isang opisinang kinakatawan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Sydney, ay naglalayon na makapasok ang mas marami pang gawang Pilipinong produkto at serbisyo  sa pamilihan ng Australya at i-‘globalise’ ito sa pamamagitan ng pagpaprangkisiya sa mga produktong ito ng mga lokal na mamamayan ng bansa.

“If it’s a successful business in the Philippines, there’s also a chance for it to be successful in the Australian market,” ayon kay Argayoso.

Ang mga iniluluwas na mga produktong ito mula sa bansa ay nakakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng ’export earnings’ na lumilikha ng mga trabaho, na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ay naka-target sa mga mahihirap na Pilipino.

“Our economy is doing really good; it’s the second fastest economy in Asia and it’s going to be the tenth fastest growing economy in the world by 2020 so what we need to do is to trickle it down to the less fortunate people so we can make the growth inclusive and to really share the prosperity to all Filipino people,” ibinahagi ni Argayoso sa SBS Filipino.

Tinukoy ng konsul sa pangkalakal ang kapayapaan at kaayusang polisa ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang kontribusyon sa pag-unald ng Pilipinas. Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng kapayapaan at kaayusan, lahat ng magagandang bagay ay susunod kabilang na diyan ang pagkuha ng interes ng mas maraming mamumuhunan sa bansa.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Panawagan para sa mas maraming produktong Pinoy na makarating sa mga pamilihan sa Australya | SBS Filipino