Sa isang open letter para sa gobyernong Morrison, ipinahayag nila na sana ay palawakin sa sektor ng sining at pagganap ang Jobkeeper payment maging man ang maglaan ng karagdagang pondo para sa pag-rekober ng kanilang industriya.
HIGHLIGHT
- Marami sa mga nasa industriya ng sining kabilang ang mga musikero, technician at promoter ang hindi pasok para sa mga suporta ng gobyerno sa kabila na nawalan sila ng kita
- Nais nilang palawakin ang Jobkeeper sa mga musikero at palawigin ang bayad lampas ng Setyembre
- Hinihingi din nila ang $345 million dollar na live performance industry recovery package kabilang ang $40 million recovery fund, karagdagang pondo para sa Australia Council at tax offset para sa mga live music venues