Key Points
- Ayon sa Registered Migration Agent Em Tanag, pwede pa ding mag-apply ng Partner visa sa Australia kahit kasal pa sa iba sa Pilipinas sa paraan ng de facto relationship.
- Hindi lang anya spousal o married relationship ang kinikilala sa Australia kundi maging ang de facto relationship na parang live-in set up sa Pilipinas.
- Pero dapat na patunayan ang apat na aspeto ng relasyon; financial aspect, nature of household, nature of commitment at, social aspect.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa panayam ng SBS Filipino, sinagot ng Registered Migration Agent na nakabase sa Melbourne na si Em Tanag ang mga karaniwang tanong kaugnay sa aplikasyon ng partner visa sa Australia.

Bridges Immigration Law Solutions Registered Migration Agent Em Tanag