Key Points
- Inclusivity ang tema ng naging opening ceremony na usaping naging sentro ng batikos sa host nation na Qatar.
- Isa sa mga sorpresang panauhin ang Hollywood actor na si Morgan Freeman na ambassador para sa Estados Unidos na nag-bid din para maghost ng 2022 World Cup bago nakuha ng Qatar ang hosting rights.
- Panalo ang Ecuador matapos makadalawang goal laban sa Qatar sa unang laban ng FIFA World Cup 2022.
Eklusibong mapapanood ang free-to-air broadcast ng lahat ng anim na put apat na laro sa SBS at SBS VICELAND gayundin sa SBS on Demand.
Kung nais naman mapakinggan, maaring tumutok sa nakalaang istasyon sa FIFA World Cup 2022™ gaya ng SBS Football 1, 2 at 3 sa inyong DAB radio, sa wesbite ng SBS Radio, o sa pamamagitan ng libreng SBS Radio mobile app, para mapakinggan ang bawat laban ng live sa 12 wika






