Maglulunsad ang pamahalaan ng Queensland ng isang bagong kampanya sa kaligtasan sa kalsada, na tatawaging #LiftLegend. Ito ay maghihikayat sa mga taga-Queensland na manalitiling ligtas sa darating na kapaskuhan.
Ang kampanya ng estado ay naglalayong mag-recruit ng mga 'Lift legends,' o mga taong maghahatid pauwi sa kani-kanilang mga tahanan pagkatapos ng isang night-out o inuman, sabi ni Transport and Main Roads Minister na si Mark Bailey.
“Everyone needs a #LiftLegend this festive season and on Sunday 9 December our annual Christmas road safety campaign will put the call out to recruit them,” sabi ni Mr Bailey.
‘‘A #LiftLegend can be a friend, loved one, colleague, the local bus or cab driver."
“Someone who sits out a session for the team, just so sure their mates stay safe and enjoy the holiday period.”
Bagama't alam ng karamihan ang panganib ng pagmamaneho nang nakainom, marami pa rin ang lumalabag sa batas. Ipinapakita sa mga ulat na ang pagmamaneho nang nakainom ay kumitil ng buhay ng 55 katao at nagtala ng 550 serious injuries sa Queensland.
"These aren’t just statistics, they're children, parents, friends, and loved ones.
“There are no excuses for drink driving and it is up to each and every one us to take responsibility for our driving behaviour to prevent these avoidable tragedies.
“Random breath testing will be out in force on Queensland roads this festive season, and testing can happen anywhere, anytime.”
Kasunod ng matagumpay nkampanya noong nakaraang taon na tinawag na 'Plan B,' na nagbigay ng mga simpleng solusyon upang makaiwas sa panganib ng pagmamaneho kapag nakainom, sinabi ni Mr Bailey na ang kampanya ngayong taon ay nakatuon sa mga #LiftLegends.
‘‘The campaign also provides a practical Queensland-wide solution for those who are planning to drink as well as those who find themselves caught out in the moment of drinking.’’
Ang nasabing kampanya ay ipapatupad sa pasko/Bagong Taon hanggang Australia Day, pati na rin tuwing ANZAC Day at Labour Day.
Ang pamahalaan ng Queensland ay makikipagtulungan din sa Queensland Cricket upang maipalaganap ang mensahe ng #LiftLegend sa mas marami pang tao at sa Big Bash games ngayong summer o tag-init.
Ilang mga tips para manatiling ligtas ngayong kapaskuhan:
- Planuhin ng maaga ang iyong #LiftLegend para makaiwas sa pagmamaneho kapag nakainom.
- Iwasang gumamit ng mobile phone habang nagmamaneho - ito ay maihahalintulad sa pagmamaneho nang lasing.
- Huwag magmadali - manatili sa tamang speed limit at maglaan ng ekstrang oras sa iyong biyahe.
- Siguruhing may sapat kang tulog bago magmaneho at alalahaning huminto kapag naramdaman mo na ang pagod sa mahahabang biyahe.
- Gamitin ang seatbelt. Kada biyahe, bawat oras.
- Iayon ang iyong pagmamaneho depende sa kondisyon sa daan - maglaan ng tamang distansya o bagalan ang pagmamaneho kapag hindi maganda ang panahon.
Iba pang balita mula sa Queensland
- Malakas na hangin nagpalala sa bushfire sa Deepwater at Baffle Creek;
- Asia Pacific Triennial binuksan sa Brisbane
- FedFilQ maglulunsad ng Parol Festival sa Brisbane