Baha sa iba't-ibang bahagi ng Queensland inaasahang tataas pa dahil sa patuloy na pag-ulan

high risk of flash flooding in queensland

high risk of flash flooding in queensland Source: Tamborine Mountain Rural Fire Brigade

Miyerkules pa inaasahang titigil ang malakas na ulan kaya naka-high alert ang South at Central Queensland dahil sa pagbaha.


Highlights
  • Ayon sa Bureau of Meteorology asahang uulanin pa ang Brisbane at Sunshine Coast sa mga susunod na araw.
  • Dahil sa mga serye ng pagbaha ini-anunsyo na ang pagtawag sa 117 ng RACQ ay pansamantalang isinara.
  • Binalaan ng mga otoridad ang mga residente na makinig at huwag baliwalain ang mga anunsyo hinggil sa lagay ng panahon.
Tulad ng mga ilang senaryo sa Pilipinas kapag bumabagyo, lumulubog din sa baha ang malaking bahagi ng Goldcoast kasama na rin ang mga ilang mga siyudad sa Brisbane dahil sa bagyo na nagdulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan tulad ng Logan, Scenic Rim at Redland city.

 

Sa ngayon ay binabantayan pa rin ang mga ilog na maaring umapaw dahil sa walang tigil na pag-ulan. Maari din magpakawala ang mga dam kapag lumampas na sa critical level na maari din magdulot ng pagbaha sa mababang lugar.

Palaging paalala ng mga eksperto na huwag ng magmaneho kung masyadong malakas ang ulan, kung talagang hindi mapigilan, buksan ilaw ng sasakyan para madaling makita ng kasalubong na sasakyan.

Payo rin ng Queensland Fire and Emergency Services na huwag nang maglakad sa labas kung umuulan, huwag mamangka sa baha, maghanap ng ligtas na lugar sa bahay kung sakaling tumaas ang baha, iwasan na rin ang pag gamit ng telepono kung bumabagyo o kung malakas ang kulog at kidlat, at mag-ingat sa mga matutumbang puno at linya ng kuryente.

Pero asahan naman daw na sa darating na Miyerkules na ay unti-unting gaganda na ang panahon. Pagkakataon na para sa mga taga Sydney at Melbourne na galugarin ang ganda ng Queensland.

Diskwento sa domestic flights para isulong ang turismo

Mula sa bukas-sarang border ng Queensland dahil sa pandemic noong isang taon handa na muli ang estado para sa domestic flights. Tinatayang nasa 10 milyong dolyar ang nawalang kita ng estado araw araw dahil sa pandemic, habang nasa 50 libong mga mangagawa ang mawawalan ng trabaho bago matapos ang buwan, lalo at ititigil na jobkeeper payment.

Nakasaad sa kampanya ng Queensland na walang dapat ipag-alala dahil COVIDsafe umano ang estado.

Magandang din balita dahil ang mga airline tickets para sa  8000,000 na mga manlalakbay mula sa Sydney at Melbourne ay kalahati lamang ang presyo ng ticket patungo sa Goldcoast, Cairns kung saan naroon ang Great Barrier Reef na sikat sa buong mundo, at mga naggagandahan beaches sa Whitsundays.

Pero bago maglakbay, alamin muna ang magiging panahon sa mga pupuntahan para tiyak na mag-eenjoy at hindi sayang ang perang inilaan.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand