Sa Love down under episode ngayon, ibinahagi ng 31 taong gulang na si Elise na siya ay single ng halos apat na taon pagkatapos ng isang anim na taong relasyon.
Ibinahagi ni Elise na isang international student sa Sydney na si Jordan ang kanyang unang kasintahan at classmate pa sa elementarya. Muli silang nag-usap pagkatapos ng kolehiyo.
"We personally met during my leisure trip in Europe. We were in an LDR (long distance relationship) for almost 6 years."
Matapos ang pakikipag-date sa loob ng halos anim na taon, ibinabahagi ni Elise na ang relasyon ay naging mahirap at nagtapos nang biglang humingi ng space si Jordan.
Lumipad si Elise sa Europa upang ayusin ang relasyon ngunit hindi ito naayos.
Pagkatapos ng apat na taon ng pagiging single, sinabi niya na handa na siyang makipag-date muli ngunit nahihirapan siyang hanapin si 'the one'.
Ano ang maaaring dahilan? Sa tingin namin narito ang tatlong dahilan.
Tatlong dahilan bakit single ka pa rin
1. Hindi ka pa naka-move on o hindi ka pa handa
Ang pagiging handa sa pag-ibig ay nangangailangan ng self-reflection at self-awareness na maaring tumagal ng maraming taon.
2. Hindi ka lumalabas o nakikipag-date
Hindi biglang lilitaw si 'the one'. Dapat kang lumabas, makipagkilala at magbuo ng mga bagong kaibigan upang madagdagan ang iyong mga pagkakataon na makahanap ng pag-ibig.
3. Choosy ka
Marahil ay nakasanayan mo na ang pagiging mapili para sa maraming mga kadahilanan tulad ng pag-iingat mo kung sino ang iyong kina-karelasyon, hindi makahanap ng tamang akma, o ikaw ay sobrang mapili dahil sa takot.