Highlights
- Inulit PM Albanese ang kanyang pangako sa pagpapatupad ng buo ng Uluru Statement from the Heart, ang Indigenous voice sa parlyamento at ang kanyang prioridad na maipakilala ang national integrity commission.
- Ayon kay Federal Treasurer Jim Chalmers nahaharap sa hamong pang-ekpnomiya ang bansa, lalo’t naiwan ng nakaraang administrasyon ang malaking discrepancy at kailangan nito ang agarang aksyon.
- Bagong National partly leader si David Littlepround, pinalitan nito si Barnaby Joyce at nangako itong isasailalim nya sa bagong istilo ng pamumuno ang partido.
Pakinggan ang audio
LISTEN TO
Prime Minister Anthony Albanese has announced his official ministry with the new appointments to be sworn in on Wednesday. It comes after the newly appointed P-M addressed his party at the first Caucus since the federal election victory, outlining the government's key priorities for the year ahead.
SBS Filipino
01/06/202206:38
Advertisement
Inanunsyo ng Labor ang mga opisyal na manunungkulan bilang ministro at marami sa kanila ay mula sa sektor ng kababaihan.
Sa ilalim ng Labor rules, ang mga paksyon ay magkakasundo na buuin ang frontbench na ang ibig sabihin ang magiging myembro ng gabinete at shadow cabinet at mismong ang Prime Minister ang magsasabi kung aling katungkulan ang kanilang gagampanan.
Kabilang sina Tanya Plibersek, Catherine King, Clare O'Neil at Michelle Rowland sa mga kababaihang itinuro na maging ministro.
Si West Australian MP Anne Aly, na mula sa left faction, ang kasama sa ministry sa early childhood education.
Gagampanan naman ni Kristy McBain, ang pagiging Minister for Regional Development. Itinalaga naman si Richard Marles bilang Deputy Prime Minister at Defence Minister habang si Mark Dreyfus ang Attorney-General.
Sa Employment and Workplace Relations Minister at arts portfolio naman si Tony Burke.
Foreign Affairs Minister naman si Senate Leader Penny Wong. Si Jim Chalmers ang magiging Treasurer habang si Katy Gallagher ang nanumpa bilang Finance Minister, Minister for Women at Minister for Public Service.
At sa unang pagkakataon bilang ika- tatlumput isang Punong Ministro nagsagawa ng pagpupulong si Prime Minister Anthony Albanese.
At nagmistulang victory speech, na ayon dito mahalaga ang disiplina, pagkakaisa at pagiging eksklusibo ng partido.
"We need to change the way that politics works in this country. We need to be more inclusive, we need to be prepared to reach out, we need to be prepared to engage on those issues. We can do that in this parliament. My objective is to not keep this room as it is, my objective is to grow."