Sa makabagong panahon ngayon, abala ang lahat sa paghahanap-buhay para sa sariling kapakanan. Subalit, mayroon talagang mga tao o grupo na hindi lang sarili ang iniisip dahil maituturing na bayani sila para sa mga indibidwal na halus hindi pinapansin ng lipunan. Dahil nagbibigay sila ng tulong at suporta para umunlad at maiba ang takbo ng kanilang buhay, tulad ng Welcome Merchant.
Key Points
- Marjorie Tenchavez, founder at director ng Welcome Merchant.
- Ang Welcome Merchant ay isang social enterprise na naglalayong suportahan ang mga maliliit na negosyante na mga refugee at asylum seeker.
- Armando Crisostomo ay myembro ng Western Sydney Fashion Festival at 1 sa 7 tampok na fashion designer ng Fashion for Good na gaganapin sa ika-30 ng Setyembre 2023 sa Parramatta, NSW.
Share




