Sa unang pagkakataon, ang entrance gate ay bukas nang libre; at ang kaganapan na ginaganap tuwing unang Lunes ng Oktubre o Araw ng Paggawa, ay hindi na kapapalooban ng koronasyon ng Miss Philippine Australia bilang pangunahing aktibidad nito, ngunit sa halip ay gagawin ang Miss Transgender Global sa gabi ... at ang mga tindahan ng pagkain ay magiging internasyonal kaysa sa tradisyonal na pagkaing Pilipino.
Ang bagong Pangulo Marivic Ayap Flores ay nakausap ni Ronald Manila tungkol sa muling pagpapasigla ng pista.

(Nota ng Patnugot: Ang Sydney Fiesta Kultura 2018 ay gaganapin sa Fairfield Showground, Prairiewood, NSW sa unang araw ng Oktubre, at magtapos ito sa pag-korona ng unang Msss Transgender Global. Ang SBS Filipino ay magkakaroon ng booth sa Fiesta. Puede nang pumasok simula alas-nuebe ng umaga. Ang Miss Philipines Australia at Charity Queen Australia ay gaganapin sa Tivoli Showroom ng Rooty Hill RSL sa ika-28 ng Setyembre.




