Sa iba pang mga ulat sa lingguhan ulat sa rehiyon, Naghihinala ang kapulisan ng Cebu na mas marami pang illegal na droga ang ikakalat sa rehiyon ng Gitnang Kabisayaan habang papalapit na ang eleksyon, habang nagpahayag ng pagkalungkot si Cebu Archbishop Jose Palma sa planong ilalabas sa publiko ang mga pangalan ng mga opisyal at pribadong indibidwal na nasasangkot umano sa illegal na droga; Halos umabot sa 25 toneladang basura na itinapon sa labing-isang kilometrong kahabaan ng Lahug River ang nakulekta; Nakatakdang babaguhin na ang ruta ng mga pampublikong dyipni ng Syudad ng Cebu; at dumoble sa halagang P20 milyong mula sa P10 o noong nakaraang taon ang pondo na inilaan ng lalawigan ng Cebu para sa Pag-asa Scholarship Program.
Mga barangay sa kabundukan sa Cebu nakakaranas na ng El Niño

Source: Nick Melgar
Bago pa man opisyal na ipahayag ng PAG-ASA ang opisyal na simula ng El Niño phenomenon sa bansa, 28 brangay sa bulubundukin sa Cebu ang nag-alarama na sila ay naapektuhan ng napakatuyong panahon.
Share

