Key Points
- Kabilang sa mga pagbabagong inihayag ni Transport Minister Catherine King ang pagbibigay ng impormasyon sa oras o timetable at pagkaantala gamit ang mga accessible na format, at tiyakin ang tamang mga senyas at anunsyo tungkol sa susunod na hihintuan ng sasakyan.
- Ang mga bagong pamantayan ay magpapabuti rin ng kaligtasan para sa mga gumagamit ng wheelchair, sa pamamagitan ng dagdag na barikada sa mga gilid ng mga portable ramp sa pinto.
- Hindi pa malinaw kung kailan maipapatupad ang mga pagbabago sa Transport Standards – pero nakasaad sa 2002 standards na kailangan maging fully accessible ang mga train at tram sa taong 2032.



