Ito ang hangarin ng singer-artist-voice talent at propesyonal sa kalusugang oral na si Jinky Marsh na nagpasya siyang pagsamahin ang ilang baylingwal na bugtong at pangkulturang mga awit upang bigyang-inspirasyon ang mga batang Pilipino na higit pang matuto tungkol sa kanilang kultura.
Sa pakikipagtulungan sa iba pang mga Pilipinong alagad ng sining at pagsama ng isang grupo ng mga batang Pilipino-Australyano upang gawin ang mga bugtungan, binuo nila ang "Inspiring the Filipino child" - ilang tinipon na mga kultural na awiting Pilipino, mga bugtong, alamat at mga kasabihan - na naglalayong pukawin ang mga bata upang alamin ang kultura ng kanilang mga magulang at yakapin ito sa isang masayang paraan.
Si Jinky Marsh, na isa ring broadkaster sa komunidad radyo, kasama ang kanyang anak na si Cameron Marsh at magkapatid na sina Brendan at Sabrina Co-Elliot ay nagbahagi ng ilan sa mga awiting ito at bugtong.
Panoorin ang bidyo sa ilalim para sa kanilang bugtungan:
Basahin din: