Charity ride para sa mga batang nawalan ng mahal sa buhay

Bike ride for a cause

Bike ride for a cause Source: bimo mentara on Unsplash

29 na bikers ang sasabak sa 500 km na charity bike ride sa loob ng apat na araw upang makalikom ng pondo para sa mga batang nawalan ng minamahal.


Layunin ng Feel the magic foundation na makalikom ng $ 90,000 upang maipadala ang 60 na mga bata sa signature program ng foundation na 'Camp Magic'.

Ayon kay James Thomas, nagtatag ng Feel the magic foundation, ang mga nagdadalamhating bata na nakaranas ng pagkamatay ng isang mahal nila ay maaaring makaramdam ng pag-iisa. Samakatuwid, kailangan nila ng patuloy na suporta sa pagbuo ng mga diskarte upang makayanan ang pagkawala.

"The mission of Feel the Magic is to create environments where children who are experiencing grief can be inspired and empowered to succeed in spite of their loss."

Plano nila na ipadala sa camp magic sa taong 2021 ang mga batang naulila.

Sinabi niya na sa ilalim ng programa, ang mga bata ay dumadalo sa isang transformational weekend-long program na walang bayad kung saan pinagsasama ang kasiyahan, mya pisikal na hamon kabilang ang emosyonal na suporta at edukasyon ng kalungkutan.

"Children need to grieve in a healthy way after the death of a parent and/or sibling and an early intervention program."

Magsisimula ang bike ride sa Cooma sa ika-3 ng Disyembre patungo sa NSW Snowy Mountains sa susunod na apat na araw. Sa Linggo, ika-6 ng Disyembre, ang mga rider ay gagawa ng kanilang huling pagsakay sa seremonya ng pagsasara ng ACT Camp Magic kung saan makikilala nila ang mga bata.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Charity ride para sa mga batang nawalan ng mahal sa buhay | SBS Filipino