Sa bagong pelikula, ginagampanan ni Marc ang papel bilang si Terry, isang empleyado sa camping site, na tumulong kay Ella, na ginampanan ng Academy Award winner na si Helen Mirren upang hanapin ang kanyang nawawalang asawa, sa katauhan ng dalawang-beses na Golden Globe winner na si Donald Sutherland habang ang nag-layas na mag-asawa ay naglakbay sakay ng kanilang RV na tinawag nilang The Leisure Seeker.
Ibinahagi din ni Marc ang kanyang paglalakbay mula sa pag-aaral ng paggawa ng pelikula hanggang sa pagiging isang aktor at ilang hamon na hinaharap ng mga Asyanong aktor sa kanilang pakikipagsapalaran upang makapasok sa mundo ng pelikula.




