Si Sharmane na nakapagtapos ng Masters of Architecture sa Deakin University ay ibinahagi na ang kanyang Re-entry Action Plan (REAP) para makakuha ng iskolar ay ang 'Lihok Kabataan.' Nilalayon nito na makapagtatag ng isang ligtas na lugar kung saan makapaglalaro ang mga bata.
Sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral, kasalukuyan niyang mina-mapa ang plano para maging isang reyalidad ang kanyang konsepto sa Pilipinas.
Sa panayam na ito, ibinahagi ni Sharmane ang kanyang karanasan; ang mga tagumpay at mga kabiguang kanyang hinarap sa pagiging isang 'international student scholar' sa Australya.




