Kilala sa kanyang mga disenyo na Avant Garde, ang Filipino international fashion designer na si Rocky Gathercole ay nakagawa na ng nga damit para sa ilang tanyag na bituin sa Hollywood tulad ni Britney Spears, Taylor Swift, Paris Hilton, at Nicki Minaj at iba pa.
Ang kanyang mga nilikha ay inirarampa sa mga pandaigdigang runway sa iba't ibang mga pangunahing lungsod sa mundo, mula sa isang fashion week patungo sa isa.

"I’m a person who really wants to respect everyone and every culture, but unfortunately, I ended up breaking all the taboos," ang sabi ni Rocky Gathercole tungkol sa kanyang mga kakaibang disenyo.

Ang dating walang matirahan na bata, na lihim na nagsanay ng pagdidisenyo habang nagtatrabaho sa Saudi Arabia ay umamin na hindi niya naisip na magtatrabaho sa iba pang larangan. "I feel like I was born to be a designer."
Ngunit sa kabila ng katanyagan na nakukuha sa mundo ng fashion, nangangarap pa rin siya na lumikha ng mga ready-to-wear na damit at mga pang-araw-araw na damit na maaaring isuot ng mga pangkaraniwang tao.
Ang kanyang mga "Very Rocky Gathercole" na disenyo ay ipapakita sa ilang pangunahing lungsod sa Australia ngayong Disyembre.



