Pinigil ng health authorities ng NSW ang pag-alis ng Ruby Princess cruise ship. Kasalukuyang naka-quarantine ang barko sa Port Kembla,Wollongong na dapat sana ay paalisin na noong Linggo, April 19. Pero sa 1,100 crew na sakay nito, 153 ang positibo sa coronavirus.
Nagdesisyon ang mga awtoridad na manatili ang barko habang pinag-aaralan pa kung paano mapapauwi ng ligtas ang mga tripulante. Ayon kay NSW Police Commisioner Mick Fuller, patuloy ang pakikipag ugnayan sa mga bansang uuwian ng mga crew para magsagawa ng mass repatriation.
Ayon kay Consul General Ezzedin Tago ng Philippine Consulate sa Sydney, wala pang ibinigay na detalye kung ilan ang Pinoy sa loob ng Ruby Princess at kung mayroong Pilipino na may sakit. Pero ipinagpapasalamat ng konsulado ang pag-aasikaso ng NSW Health sa mga tripolante.