'Nananalaytay sa dugo': Bakit nanatiling mahilig sa basketball ang mga Pilipino kahit nasa ibang bansa na

Action photo one day league.jpg

The Filipino Ballers Club (FBC) is a Filipino-Australian basketball club that runs two major leagues annually, alongside a One Day League and 3x3 tournaments. Credit: Angelito VALDEZ Jr

Hindi lang laro ang basketball para sa mga Pilipino. Nananalaytay ito sa kanilang dugo, malalim na bahagi ng pagkatao at isang paraan para manatiling konektado sa kultura at komunidad. Ang Filipino Ballers Club sa Melbourne ay muling binubuhay ang hilig na ito, na nagsisilbing tahanan kahit malayo sa bayan.


KEY POINTS
  • Nagsimula ang Filipino Ballers Club noong 2021 sa gitna ng lockdown sa Melbourne bilang isang simpleng basketball meet-up. Mula noon, lumaki ito bilang isang pormal na liga na may 19 na koponan at higit sa 300 miyembro, na nagbibigay ng istruktura, kasiyahan, at pagkakaisa para sa mga Filipino-Australian.
  • Ang basketball ay nagbibigay sa mga Pilipino sa Melbourne ng lugar upang magtagpo, magtulungan, at mapanatiling buhay ang kultura. Sa pamamagitan ng mga liga, youth programs, at mga gawaing kawanggawa ng FBC, naipagpapatuloy ang pagmamalaki at pagkakaisa ng komunidad.
  • Para sa maraming Pilipinong naninirahan sa ibang bansa, ang basketball ay higit pa sa laro. Isa itong mahalagang ugnayan sa kanilang pinagmulan at pagkakakilanlan, ayon sa mga manlalaro ng FBC.
Mula pa noon sa Pilipinas, bahagi na ng pamilya ang basketball. Nakaugat na ito sa ating pinagmulan at nananalaytay sa ating dugo. Lumaki tayong hinahangaan ang mga tito o tatay na naglalaro ng basketball. Bata pa lang tayo, nanonood na tayo ng mga laro. Hindi lang ito isang isport. Isa na itong lifestyle at paraan ng pagpapalabas ng emosyon.
Filipino Ballers Club
FBC
(L-R) Loreniel Tequin – Founder FBC, Mark Poon – Player from Season 1 to the present, Mark De Castro – Regular FBC player, Luisito Bituin – Senior regular player Credit: SBS FILIPINO
📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand