Kasama pa sa balita sa SA. Sistema ng pangangalaga sa kalusugang pang-kaisipan rerepasuhin pagkamatay ng isang pasyente; Code Blue ng SA para sa walang bahay pina-iral; Pang-estadong pamahalaan nag-laan ng pondo para sa Granite Island causeway; Mga balyena namataan sa Port Lincoln; at malalakas na ulan malugod na tinanggap para sa agrikultura.
Termino ng Gobernador ng SA pinalugit hangga't 2021

Source: AAP Image/Supplied by James Elsby
Ang termino ni Gobernador Hieu Van Le ng South Australia ay pinalugit ng dalawang taon hanggang Agosto 2021. Si Hon Van Le, na dumating sa Australya bilang repugi lulan sa bangka noong 1977, ay naging Tenyente Gobernador noong 2007 at Gobernador noong 2014. Bago dumating sa Australya, si Hon Van Le ay sandaling tumira sa Pilipinas na naging dahilan kung bakit mayroon siyang malambot na puso para sa mga Pilipino-Australyano sa estado.
Share

