Key Points
- Ayon sa kasaysayan, sa impluwensya ng mga Malay natuto ang mga Pilipinong magsuot ng gora o saklob sa ulo. Habang noong panahon ng Kastila nabuo ang kaugaliang pag-adorno ng salakot. Ang disenyo ay naging isang simbolo ng katayuan sa buhay.
- Ang salakot ay isang tradisyunal na sumbrero na karaniwang suot ng mga magsasakang Pilipino sa iba't ibang probinsya bilang proteksyon sa init o ulan. Mayroong yari sa palma, kawayan , rattan at iba pang halaman sa mga rehiyon.
- Ang pangongolekta ng language educator na si Mark Ong ng salakot ay bahagi ng kanyang adbokasiya na mapreserba ang mga pamana ng kuturang Pilipino.