Key Points
- Isa sa tatlong Australyano ay 'financially illiterate' o hindi nakakaintindi tungkol sa mga usaping pinansyal.
- Ang sistema ng pananalapi sa Australia ay komplikado - mula sa super, mortgage, loan, store loan, mas mataas na pagbili at pay day lending.
- Sa Setyembre 23 ang huling araw para sa pagsumite ng pampublikong submisyon para sa financial advice review.
Ayon sa Consumer Group Adviser Ratings ang median na gastos para sa payong pinansyal noong nakaraang taon ay $3,529 at tinatayang nasa 1.9 milyong tao lamang ang kumukuha ng pinansyal na payo - anila, ito ay mababang bilang.
Isang pambansang pagsusuri ang ginagawa ngayon ng Treasury upang subukang pasimplehin ang sistema at mas maraming tao ang maka-akses. Maaaring magsumite ng submisyon ang publiko hanggang Setyembre 23.

How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino