Key Points
- Mula Ika-1 ng Oktubre, aabot sa $24,505 na savings ang kailangan ng mga aplikante ng student visa sa Australia na 17% pagtaas.
- Inalis na rin ng pamahalaan ang concurrent study function na tawag din ay concurrent enrolment o dual study na nagiging loophole o butas sa sistema ng migrasyon.
- Nahaharap sa suspensyon ang mga mapang-abuso at manlolokong education services sa gitna ng pagkonsidera ng gobyerno sa bilang mga pekeng aplikasyon at ang porsyento ng refusal rate ng provider.