Nababalot ngayon ng mga makapal na putik ang ilang lugar sa bansa matapos nagdulot ng ng malawakang pagbaha ang bagyong Ulysses.
Nanatili sa bubong kanilang mga bahay ang mga tao upang maiwasan ang tumataas na tubig baha.
Samantala, libo-libong tao naman ang nailigtas mula sa humuhupang baha at naisalba din ng mga militar ang mga taong nasa mga lugar kung saan nanatiling mataas ang tubig.
Dineploy din ang ilang mga sasakyang panghimpapawid para sa gawaing pagsagip.
Sinabi ng punong kawani ng militar na si General Gilbert Gapay na magpapatuloy ang militar sa paghahanap sa mga nawawala at tasahin ang pinsala ng bagyo.
Ayon sa ulat, may tatlumput siyam o 39 ang nasawi, habang tatlumpu't dalawa o 32 naman ang patuloy na nawawala.




