Key Points
- Sa datos ng Telstra, karaniwang tinatarget ang mga biktima kapag Biyernes o Sabado at tumataas ang bilang ng text messages sa madaling araw mula 1:00am - 4:00am para mabasa ito kung kailan pagod o distracted ang mga tao sa umaga pagkagising.
- Karaniwan sa mga mensahe ay may kasamang link sa ilalim. Inuutusan din nito ang biktima na pumunta sa online address o kanilang website para bayaran ang utang o anumang transaksyon.
- Nababahala ang mga eksperto sa paggamit ng mga scammers ng Artificial Intelligence or AI sa pagbuo ng mensahe para maging tunog Aussie na gumagamit ng slang tulad ng "true blue" or "oy mate".