Ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay itinuturing sa pangkalahatan na pangarap ng bawat Australyano. Ngunit para sa marami, ito ay nagiging isang pangarap na lamang. Inamin ng pederal na pamahalaan na maraming mga Australyano ang nahihirapang bumili ng kanilang sariling tahanan. Sinabi ni Tesorero Scott Morrison na ang pagpapataas ng suplay ay makatutulong na mapababa ang mga presyo ng bahay.
Sinisisi ni Morrison ang komplikadong mga regulasyon ng pagpaplano para sa pagtaas ng mga presyo ng bahay. Nananawagan siya sa mga estado na mag-release ng karagdagang mga lupa upang mapagaan ang problema.
Larawan: Mga tao nagtipon sa labas ng auction ng isang bahay sa kanlurang bahagi ng Sydney (AAP)
Share




