Key Points
- Si Scott Morrison ang kauna-unahang dating Punong Ministro na nakatanggap ng censure mula sa Pederal na Parlyamento.
- Ginawa ang censure matapos lumabas ang report ng dating High Court judge na si Virgina Bell kung saan lumabas na ang mga palihim na pagtatalaga ng Morrison sa anim na ministeryo ay nakakawala ng kumpyansa sa pamahalaan.
- Napagkasunduan ng gobyerno na ipatupad ang anim na rekomendasyon mula sa nabanggit na report ng dating High Court Judge Virgina Bell upang mapaigting ang maayos at transparent na pagtatalaga ng mga ministro.