Nahumaling sa kanyang paghahanap para sa lihim na buhay ng tinaguriang James Bond ng Pilipinas noong dekada 80, halos 20-taon ang ginugol ng Australyanong filmmaker Andrew Leavold na pabalik-balik ng Pilipinas, upang idokumento ang buhay ng 2-talampakan-at-siyam na pulgadang taas na action star at martial artist na si Weng-Weng. Larawan: Si Weng-Weng sa isang eksena sa kanyang pelikula (Screen shot from 'For Your Height Only')
Unang ipinalabas sa Maynila noong taong 2013 at sa Melbourne Film Festival noong 2014, ang dokumentaryong 'The search for Weng-Weng' ay isa na ngayong libro.
Sa 242-pahinang librong "The Search for Weng-Weng," idinetalye ni Leavold ang kanyang paghahanap para sa hindi nalalamang buhay ng unanong aktor na si Weng-Weng o si Ernesto Dela Crus sa tunay na buhay na namatay na dukha.
Share




