Key Points
- Kabilang sa mga natapos nang irrigations project ay ang Balbalungao Small Water Reservoir Project na magiging imbakan ng patubig para sa isanlibong ektarya ng palayan sa Lupao, Nueva Ecija.
- Mayroon ding nasa 141 na excavator na na-turnover sa National Irrigation Administration sa Subic Bay Free Port.
- Pinaghahandaan ng Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment o DOLE ang pamimigay ng ayuda para sa mga magsasakang maaapektuhan ng El Niño.
Sa ibang balita, bumisita sa Pilipinas ang navy ship ng India na I-N-S Kadmatt para sa goodwill visit. Nagasawa ito ng maritime exercise sa BRP Ramon Alcaraz ng Philippine Navy.
Ipinakita ng Indian navy officials ang mga pwedeng maitulong ng India pagdating sa maritime defense capability ng Pilipinas.
Kabilang ang India sa mga bansang sumusuporta sa Pilipinas sa iringan nito sa ibang bansa sa West Philippine Sea.




