Sa gitna ng patuloy na usapin tungkol sa kaligtasan at empowerment ng kababaihan, isang family-run jiu-jitsu school sa Blacktown, Western Sydney ang nagsasagawa ng self-defense training para sa kababaihan upang matulungan silang magkaroon ng kumpiyansa at kakayahang ipagtanggol ang sarili.
Key Points
- Nagsimula ang martial arts journey ng pamilya Lazaro nang mahilig sa jiu-jitsu at pagsali sa mga kompetisyon ang panganay na anak na si Isaiah. Kalaunan, nahikayat ang buong pamilya na sumabak sa jiu-jitsu, at ngayon ay aktibo na silang lahat sa sport—tatlo sa kanila ang nakamit na ang black belt.
- Ayon sa instructor na si Sheryll Lazaro, layunin nitong magturo ng mga praktikal na teknik sa pagtatanggol sa sarili, pati na rin ang awareness, composure, at mental preparedness sa mga posibleng mapanganib na sitwasyon.
- Ayon sa mga kalahok, nakatutulong ang training upang maging mas alerto, mas matapang, at mas handa sila sa pang-araw-araw na sitwasyon at pagtatanggol sa sarili.


📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





