Shiela at Joshua McAleer hinatulan na ng korte dahil sa pang-aalila sa isang Pinay

Joshua McAleer ignored reporters' questions

Joshua McAleer ignored reporters' questions Source: SBS

Makukulong ng tatlong taon at tatlong buwan si Shiela Mcaleer habang dalawang taon at anim na buwan ang sintensya sa asawang si Joshua Mcaleer dahil sa pang-aalila sa isang Pinay na ginawang katulong ng pamilya sa Australia.


Inalok ang Pinay na pumunta sa Australia at pinagtrabaho sa kanilang bahay at tindahan sa Rockdale na Kapamilya grocery and eatery

Tatlong taon at tatlong buwan na pagka-kulong na walang parole sa loob ng 14 na buwan ang naging hatol kay Shiela Mcaleer
at pinagbabayad din ang mag asawa ng 70 thousand dollars sa biktima

Dalawang taon at anim na buwan naman ang hatol kay Joshua Mcaleer pero pinayagan mag bail habang patuloy ang assessment kung papayagan itong gawin ang sintensya habang nasa komunidad

Ang biktima na hindi pinangalanan ay dumating sa Australia noong 2013 at nagtrabaho bilang katulong sa pamilya Mcaleer na syang gumastos para sa kanyang pasaporte at tourist visa

Pero tinakot umano ito ng mga Mcaleer para patuloy na manilbihan sa kanila.
Pinagamit ito ng ibang pangalan at kontrolado ang bawat kilos.

Pinagtatrabaho umano ito maghapon hanggang gabi sa tahanan at tindahan ng magasawa.


Ayon kay Detective Superintendent Paula Hudson ng AFP Human Trafficking Specialist Command
maaring marami pang ganitoong kaso sa bansa.

"These cases such as this one today, is shocking and truly heartbreaking to be honest with you, occurring on a more regular basis. People and the community may think that human trafficking and slavery doesn’t occur in Australia but nothing could be further from the truth. It is happening and it’s happening here in our own communities and in our own backyards"

Dagdag ng AFP nakaka-trauma ang mga ganitong pangyayari para sa mga biktima kaya nais nilang ipaalam sa lahat na handa silang tumulong para makaalis sila sa ganitong sitwasyon.

"Often what happens is that their freedom of movement is restricted, they are forced into conditions where they feel that they cannot leave. They often have identity documents or communications devices taken off them so they are unable to leave.

Also, sometimes they can be made to feel criminalised, that they've committed a crime and are being threatened to remain in the circumstances, so it's a very difficult crime type for people to come forward who are in these situations. But our message from the A-F-P to victims who may be out there is that there is a way out of these terrible situations and we are ready and available to do that."

Nakatanggap ang AFP ng 223 reports ng trafficking at slavery pero pinangangambahan na hindi pa ito ang aktuwal na bilang ng kaso dahil marami ang natatakot magsumbong. 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand