Settlement Guide: Adiksyon sa droga at alkohol

The truth about addiction

People living with drug or alcohol addictions are often considered a lost cause even though the path to recovery is possible with the right support. Source: E+/Getty

Sa Australya, isa sa dalawampung pagkamatay ay dulot ng alkohol o mga ipinagbabawal na gamot. Halos isa sa limang matatanda ang umiinom sa mapanganib na antas at 16 porsyento ng populasyon ay sumubok ng isang ipinagbabawal na gamot sa nakaraang taon.


Dahil sa stigma na nauugnay sa adiksyon ng droga sa iilang komunidad, ang pagtugon sa paggamit ng bawal na gamot ay isang mahirap na trabaho. Narito ang 10 paraan upang hikayatin ang iyong mga anak na makipag-usap sayo tungkol sa droga.

1. Maging aktibong bahagi ng kanilang buhay

Ang pagbibigay ng oras bilang isang pamilya ay mahalaga tulad ng kasamang pagkain araw-araw.

Young Family sitting at kitchen table interacting before meal
Young Family Having a Meal in Kitchen Source: AAP

2. Makinig sa iyong mga anak

Hikayatin silang maging komportable sa pagbubukas sa iyo ng kanilang mga problema at tanungin ang kanilang posisyon sa mga desisyon ng pamilya upang maipakita na binibigyan mo ng halaga ang opinyon nila.

Raising a child is expensive, but there are different payments to help you, including the family tax benefit.
Raising a child is expensive, but there are different payments to help you, including the family tax benefit. Source: Australian Institute of Family Studies

3. Maging isang modelo

Mahalaga na huwag maliitin ang impluwensiya ng iyong ugali sa kanila, partikular na pagdating sa alkohol at paninigarilyo o maling paggamit ng mga medikasyon.

Image

4. Maging matapat sa kanila

Natural lamang na hindi mo alam ang lahat tungkol sa droga ngunit kung ikaw ay matapat at malinaw sa iyong posisyon, magiging madali para sa iyong anak na maging matapat sa iyo.

Small boy talking to his mother
It's important to talk to your kids about non-traditional family structure. Source: Moment RF / Getty Images


5. Piliin ang tamang oras

Siguraduhin na piliin ang tamang oras upang talakayin ang droga sa iyong mga anak. Maaaring tuwing manonood ng telebisyon o nakikipag-usap tungkol sa ibang tao sa kanilang paaralan o sa grupo ng kanyang mga kaibigan.

Give advice for SBS On Demand
Japanese family watching TV Source: AAP

6. Maging kalmado

Pagdating sa usapin ng droga, ang pagiging kalmado at makatuwiran ay mahalaga. Siguraduhin na hindi sila kinukutya o minumura dahil mahihirapan ka sa panghinaharap na talakayin itong muli sa kanila.

Asian mother and young daughter gardening
Asian mother and young daughter gardening Source: Getty Images

7. Iwasan ang gulo

Mahirap lutasin ang problema kung may gulo. Kung mabubuo ang isang paghaharap, itigil ang pag-uusap at balikan ito kung ang bawat isa ay kalmado na.

انسانی دماغ
U não có thể dẫn đến mù lòa Source: iStockphoto

8. Ipagpatuloy ang pakikipag-usap

Kung nagkaroon na ng mga pagtatalakay tungkol sa droga mahalaga na ito ay sundan. Umpisahan ng maaga ang pakikipag-usap sa iyong anak tungkol sa droga at maging bukas na pag-usapan ang isyu sa anumang oras.

Talking about drugs
Source: Getty

9. Magtakda ng malinaw na hangganan

Pag-usapan at sumang-ayon sa mga paraang kikilos ang iyong anak kung makikita ang sarili sa sitwasyon na may droga. Isang ehemplo ay ang pagpapa-alam sa kanila na lagi mo silang kukunin kung kinakailangan sa anumang oras. Ngunit, maging malinaw na mas nais mong huwag nilang ilagay ang sarili sa isang sitwasyong sila ay malalantad sa droga.

Generic photo of parent and child
Generic photo of parent and child Source: AAP


10. Mag-pokus sa positibo

Hikayatin silang maging positibo sa sarili at ipa-alam sa kanilang karapat-dapat sila ng respeto at dapat din ay respetuhin nila ang sarili.

happy family
Happy smiling family teaching son how to swim in the pool Source: Xixinxing


Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Australian government’s Department of Health website.

Makikita ang Drugs: the real facts booklet and tips for parents sa 13 languages.

Ang mga  Alcohol at Drug Information Centres ay serbisyong naka-base sa estado at teritoryo na nagbibigay ng impormasyon, payo, referral, intake, assessment at suporta 24 na oras kada araw. Nag-aalok sila ng mga serbisyo sa mga indibidwal, pamilya at kaibigan, gp at iba pang propesyonal ng kalusugan at grupo ng negosyo at komunidad.

Upang humingi ng tulong sa iyong estado bisitahin ang Alcohol and Drug Information Service (ADIS).

SUNDAN ANG  SBS FILIPINO SA FACEBOOK.

 

 

 
 

 

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Settlement Guide: Adiksyon sa droga at alkohol | SBS Filipino