Kung ikaw ay nasa bingit ng pagiging homeless o wala ng matirahan, mayroong mga paraan upang matulungan. Ang bawat estado ay may sariling organisasyon. Makaktulong sila makipag-ayos sa iyong landlord, maghanap ng mga emergency housing at magbibigay pa ng mainit na pagkain.
Makikita ang listahan ng mga organisasyon para sa bawat estado dito. Mayroon din 24 oras na pambansang helpline para sa mga biktima ng karahasan sa pamilya, 1800 RESPECT.
Kung nais makipag-usap sa ibang wika, mayroong mga tagasalin na makakausap sa Translating and Interpreting Service, at maraming manggagawa mula dito ang bilingual.
Kung ikaw ay maswerteng may bubong sa iyong ulo, sabi ni Smith ang unang bagay na pwede gawin upang makatulong ay ang pagiging mabait.
“The most important thing is that people are kind to people experiencing difficulties, and within that kindness, do what they can within their resources. The other really important thing that people need to do is to ask the question, every time they go to a federal, state or local election, ' Does the party I'm voting for have a housing and homelessness policy?' Do the work to make sure the party they want to vote for has that policy or vote for the party that does have that policy."
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyong homelessness sa Australya, bisitahin ang Homelessness Australia website.